Home ENTERTAINMENT Wilbert, nag-viral sa Cleo trend; sinabihang kamukha ni Imelda!

Wilbert, nag-viral sa Cleo trend; sinabihang kamukha ni Imelda!

Screenshot

Manila, Philippines- As of this writing ay pumalo na sa 33.6M ang views sa TikTok ng Cleopatra trend ni KaFreshness Wilbert Tolentino.

Hindi nga nagpahuli ang kontrobersiyal na social media personality at influencer dahil binuhusan niya ng oras at effort ang production ng kanyang version of Cleopatra Trend.

Sa props at costume pa lang ay kinabog na ni Wilbert ang iba pang mga influencers na sumali sa trend.

Magmula sa dalawang malalaking poste na may authentic Egyptian decor, hanggang sa kanyang bonggang headdress na ginawa pa ng isang National Artist ay talaga namang naging eye candy ang visuals ng kanyang Cleopatra Trend.

In addition, pinag-uusapan din ng mga netizens sa socmed ang mga impressive accessories na kanyang sinuot, ang customuzed royal throne na kanyang inupuan na fit for a queen, ang gold leopard sa harap ng kanynag throne, ang mga nagkikislapang Swarovski sa leeg, at ang mga Blizzard Burmese phyton na matapang na hinawakan ni Wilbert.

Impressive din ang video editing ng kanyang transformation magmula sa character ng isang hunter, hanggang sa naging God of Anubis, na-mummified, nag-transform into Sphynx, and later on into Queen Nefertiti and finally, into Queen Cleopatra, ang last active ruler ng Ptolemaic Kingdom of Egypt.

FYI, tatlong layout na iba’t-ibang headdress ang ginamit ni Wilbert sa character ni Cleopatra, na ang isa nga ay ginawa pa ng isang Philippine National Artist.

Bukod sa TikTok ay humahataw din ang Cleopatra Trend video ni KaFreshness sa kanyang Facebook page na meron nang 7.9M views.

Samu’t saring comment and reactions ang nakuha ni meme Wilbert sa mga netizens kasama na ang mga nakapansin na kamukha raw niya ang OPM icon at Jukebox Queen na si Imelda Papin.

May mga nagsaabi rin na sa isang anggulo ay nakamukha ni Wilbert ang namayapang sikat na manghuhula na si Madam Auring.

“Sa mga natatawa at nagsasabing hawig ko raw si mam Imelda Papin ay thank you po.

“Ang hair character kasi ni Queen Cleopatra, e, chinap-chop ang bangs po, kaya natural lang na kung ang wig na chinap-chop ay nataon na suot ng same face frame na may jaw line, e, meron at meron itong makukuhang kahawig.

“Kahit na sino pang professional make up artist ang kunin ay magkakaroon talaga ng kahawig.

“Kapag sinakluban naman ako ng gorgeous wavy hair, for sure, e, magiging Latina at super ganda ang aking dating.

“Ang buhok kasi,e, binabagay din sa mukha ng tao.

“If you can still remember sa Asoka trend at Piliin mo ang Pilipinas make up transformation ko, iba rin ang naging ayos ko.

“But honestly, no hard feelings na kamukha ko si Madam Imelda kasi maganda siya,” paliwanag ni Wilbert.

Ang sinasabing Asoka trend at Piliin mo ang Pilipinas make up transformation ay ginawa at in-effort-an din noon ni Wilbert na humakot ng millions of views, nag-viral at pinag-usapan sa socmed.

Heto naman ang sagot ni Wilbert sa mga nagsabing naging kamukha niya si Madam Auring.

“Again, same face frame sila ni Ms. Imelda Papin at ang hair, chinap-chop talaga.”

May ilang mga netizens naman na nakapansin na sa ilang anggulo ay nakamukha ni Wilbert ang komedyanteng si Donita Nose.

FYI ay kaibigan ni KaFreshness si Donita Nose na lagi niyang sinasabihan na super cool.

And gaya ni Donita Nose ay super cool din si Wilbert at hindi siya apektado sa mga negative comments.

“Tinatawanan ko lang naman yung mga namba-bash at nagpapaliwanag naman ako sa mga honest reviews ng netizen.

“Ang mahalaga naman, gumawa tayong lahat ng mabuting gawain sa ating kapwa.

“Mahalaga rin na nakakatulog tayo ng maayos dahil wala tayong tinatapakang tao at alam ko na marami ang nagmamahal sa akin,” sabi pa niya.

Hindi rin naman mabilang ang mga nag-appreciate at nag-compliment sa entry ni KaFreshness sa Cleopatra Trend.

“I truly extend my gratitude sa aking team lalo na sa mga nakasama ko sa Cleopatra Trend dahil group effort talaga ang ginawa natin. For me, napakahusay ng execution natin and I highly appreciate all of you. Thank you,” madamdaming pahayag ni Wilbert Tolentino. JP Ignacio