Home NATIONWIDE Direct flight sa pagitan ng Pilipinas, Israel pinaplantsa

Direct flight sa pagitan ng Pilipinas, Israel pinaplantsa

161
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na kasalukuyang inaayos ang paglulunsad ng direktang flights sa pagitan ng Pilipinas at Israel.

Ayon sa DOTr, ang plano ay mahalagang hakbang para sa mas maayos na air travel sa pagitan ng Maynila at Tel Aviv, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawakin ang international air connectivity at palakasin ang ugnayan sa ibang bansa.

Tiniyak ni Transportation Secretary Giovanni Lopez ang pakikipagtulungan ng DOTr sa Philippine Ambassador sa Israel, DFA, at iba pang ahensya upang maitatag ang ruta ng Maynila-Tel Aviv ngayong taon.

Ayon kay Israeli Ambassador Dana Kursh malaking oportunidad ito para sa parehong Israelis at Pilipino.

Sa naturang pulong, kinumpirma ni Lopez ang commitment ng ahensya na maitatag ang direktang ruta ng Maynila-Tel Aviv sa loob ng taong ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here