Home ENTERTAINMENT Direk Dante, umaming mahina ang hatak ni Rocco sa takilya!

Direk Dante, umaming mahina ang hatak ni Rocco sa takilya!

Manila, Philippines- “Magpakatotoo lang tayo!”

Ito ang literal na traslation sa sinabi ni direk Dante na: “Let’s be realistic!”

Patungkol ito sa kanyang latest film na Bansa (Motherland).

Bida rito si Rocco Nacino at marami pang iba.

Iniaalay ni direk Dante ang pelikulang ito sa ating mga Kapulisan, hoping to inspire them most especially given the current times.

Sinubukang ipasok ni direk Dante ang pelikula na pinrodyus niya rin sa MMFF last year, pero hindi ito napili.

Dito na pumasok ang honest assessment ni direk sa kanyang obra.

Aware siya na kung nakapasa man ito’y “nganga” ang inabot nito sa takilya.

In all honesty, tatlo lang naman daw sa sampung festival entries ang kumita.

“Saka let’s be realistic, hindi pa maku-consider na blockbuster lead actor si Rocco unlike Piolo Pascual and Alden Richards!”

Kung sa husay ay may ilalaban naman daw si Rocco, pero wala raw itong hatak sa takilya.

Pero nilinaw ni direk na hindi kita ang habol niya, sapat na ang makapagbigay ng isang makabuluhang panoorin.

‘Yun naman pala! Ronnie Carrasco III