Home ENTERTAINMENT Direk Daryl, inokray si Chloe, binawi rin!

Direk Daryl, inokray si Chloe, binawi rin!

Manila, Philippines – Nabahag kaya ang buntot ni direk Daryll Yap matapos okrayin ang beauty regimen ni Chloe San Jose only to take back his sarcastic comment?

May video kasi ang nobya ni Carlos Yulo habang iniinterbyu about her skin care routine.

Ang una raw niyang ginagawa ay gumamit ng cleansing balm.

Then kasunod nito’y ang cleansing foam.

Susundan daw niya ito ng toner, serum, moisturizer at panghuli ay sunscreen.

Tinanong naman si Chloe how long does it take to get the whole routine done?

Kakain daw ba ng oras?

Hindi naman daw, mga ilang minuto lang.

Hirit ni direk Daryll: “Alam n’yo na kung paano kakapal ang mukha!”

‘Di nagtagal, kumambyo rin ang direktor, taking back his words.

“Gaganda pala. Sorry, naka-auto ‘yung kakapal!” pagbawi nito kuno.

Hati naman ang mga reaksyon ng mga netizens.

Hndi raw dapat binawi ng Viva resident director ang kanyang comment dahil totoo namang kapalmuks ang fez ni Chloe.

Pero mas marami ang nairita kay direk Daryll, even urging Chloe to take legal action.

Pagsasawsaw na raw ang ginagawa ng direktor na napaghahalatang walang ginagawang project.

Ayon pa sa iba, “An idle mind is the devil’s workshop.”

Kaya ang payo ng mga ito kay direk Daryll yaman din lang na nabuburyong ito sa kawalan ng ginagawa: “Mag-makeup artist na lang siya kay Chloe!”

Award! Ronnie Carrasco III