Home NATIONWIDE Discaya-linked firm sinisi sa palpak na UP Manila renovation

Discaya-linked firm sinisi sa palpak na UP Manila renovation

344
0

MANILA, Philippines – Ang St. Timothy Construction Corp., isa sa siyam na kumpanya na konektado kina Pacifico at Sarah Discaya, ang responsable sa palpak na renovation ng isang gusali sa University of the Philippines (UP) Manila, ayon sa dating faculty regent.

Sa Facebook post, sinabi ni Prof. Carl Marc Ramota na unang nakuha ng St. Timothy ang kontrata para sa renovation ng Rizal Hall sa College of Arts and Sciences.

“Six years after, academic departments are still in temporary offices, student organizations have no tambayans, and classroom shortage remains a problem,” ani Ramota.

Ang proyekto, na inaprubahan noong 2018 na may pondo na P30 milyon, ay kalaunan na-turn over sa ibang contractor matapos mabinbin ang implementasyon.

Kasama ang St. Timothy sa mga kumpanyang Discaya-linked na pinawalan ng lisensya dahil sa paglabag sa procurement laws at licensing requirements, na “undermining transparency, fairness, and competition.”

Kanselado na rin ng Procurement Service–DBM ang PhilGEPS membership ng mga kompanya, kaya’t hindi na sila makakabid para sa mga government project.

Binanggit din ni Ramota na marami pang nakatiwangwang na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa UP system at iba pang state universities na dapat ding imbestigahan.

“Contractors and government officials, DPWH and UP alike, must be held accountable,” giit niya.

Sa UP Diliman, nananatiling hindi pa rin tapos ang bagong gusali ng College of Arts and Letters (CAL) Faculty Center, na sinimulan matapos masunog ang lumang gusali noong 2016.

Bagaman may P300 milyon na pondo mula sa 2017 General Appropriations Act at target na completion noong Nobyembre 2020, hindi pa rin ito natatapos hanggang ngayon, dahilan upang makisiksik ang CAL faculty sa iba pang kolehiyo at dormitoryo.

Noong Pebrero ngayong taon, naghain ng House resolution ang Makabayan bloc kasama ang mga kinatawan ng CAL para imbestigahan ang matagal nang pagkaantala ng proyekto. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here