MANILA, Philippines – Nakatakdang bigyan ng discounted rates kundi man libre sa pagkuha ng kinakailangang dokumento sa mahihirap na naghahanap ng trabaho, sakaling maisabata ang panukala sa Senado.
Sa panukala, sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na malaki ang magiging benepistyo ng aabot sa 6 na milyng household members sa “Kabalikat sa Hanapbuhay” bill sa pagkuha ng dokumento tulad ng birth certificates at clearance mula sa pulisya at National Bureau of Investigation clearances na isusumite sa potensiyal na employers.
“Apart from first-time jobseekers, another sector that will need similar support and assistance are the members of indigent families. For them whose income falls below the poverty threshold, the costs of the said documents are unaffordable,” aniya.
Marami nang libreng pre-employment requirements, tulad PhilHealth IDs at Social Security System certifications, pero naniningil ang Philippine Statistics Authority ngP330 sa birth at marriage certificates at nangongolekta naman ng P155 sa NBI clearances.
Mabibiyayaan ang panukala sa naghahanap ng trabaho na walang pinagkakakitaan o kabilang sa poverty threshold na itinakda ng National Economic and Development Authority poverty threshold, na kumikita ng P12,030 kada month.
Awtomatikong mabibigyan ng benepisyo sa panukala ang lahat ng miyembro ng Pantawid Pamilyang Pamilya Program (4Ps) bilang indigents.
Nakatakda sa panukala na bibigyan ng 20 porsiyentong diskuwento para sa bayaran ng barangay t NBI clearances, medical certificates mula government hospitals, marriage at birth certificates, Technical Education and Skills Development Authority certificates, Certificates of Civil Service Eligibility, at Unified Multi-Purpose IDs (UMID).
Hindi naman maniningil sa jobseekers para sa Transcripts of Records at katulad na dokumentong ibibigay ng state schools at para s school records na ipinalabas ng Department of Education.
Maaaring makakuha ng diskuwento ang benepisaryo nito minsan kada anim na buwan at sinumang mameke ng kanilang eligibility ay parurusahan dahil nakatakda sa panukala ang probisyon na nagsasabing “shall be prosecuted and punished in accordance with the pertinent provisions” of the Revised Penal Code.”
Lumobo ang bilang nag walang trabaho nitong Hulyo na umabot sa 4.8 porsiyento, ayon sa PSA na ipinalabas nitong Setyembre na katumbgs ng mahigit 2.27 milyong Filipino ang walang pinagkakakitaan o hanapbuhay.
Bahagyang tumaas ito sa datos nitong Hunyo pero mas gumanda naman sa unemployment ragte noong Hulyo 2022 na umabot sa 5.2 ang tantos, ayon din sa PSA. Ernie Reyes