Home NATIONWIDE Obiena pinuri ni PBBM sa gintong medalya sa Asian Games 2023

Obiena pinuri ni PBBM sa gintong medalya sa Asian Games 2023

MANILA, Philippines – NAGPAABOT nang pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo kay pole vaulter EJ Obiena matapos na masungkit nito ang unang gintong medalya para sa Pilipinas sa 19th Asian Games sa China.

“Congratulations, EJ, on clinching our first gold in men’s pole vault at the 19th Asian Games!” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang post sa X, dating kilala bilang Twitter.

Ang nasabing medalya ay nakuha ni Obiena matapos lundagin ang 5.90 meters sa men’s pole vault event sa Hangzhou Olympics Centre Stadium sa China nitong Sabado.

Tinalo ni Obiena ang Chinese na sina Huang Bojao na nakakuha lamang ng silver medal makaraang lagpasan ang 5.65 meters.

Nauna nang sinubukang lundagin ni Obiena ang 6.02 meters upang masira sana nito ang kanyang Asian record.

Gayunman, nabigo ito sa tatlong beses na pagtatangka.

Sa kabuuan, walo na ang medalya ng Pilipinas, kabilang ang isang silver at anim na bronze.

Samantala, nagpaabot din ng kanyang pagbati ang Pangulo sa iba pang atelta na lumaban sa Asian Games.

“Kudos as well to Patrick King Perez, Jones Inso, Gideon Padua, Clemente Tabugara Jr., Alex Eala, and Francis Casey Alcantara for their outstanding performances in Taekwondo, Wushu, and Tennis! Best of luck to all our athletes competing ahead!” ayon sa Pangulo. Kris Jose