Home ENTERTAINMENT MTRCB: ‘No work, no pay’ issue labas sa suspensyon ng It’s Showtime!

MTRCB: ‘No work, no pay’ issue labas sa suspensyon ng It’s Showtime!

MANILA, Philippines – “Separate and distinct matters”

Ito ang nilinaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ngayong Linggo ukol sa pagsuspinde sa noontime show na “It’s Showtime” at sa mga isyu sa ‘no work, no pay’ na maaaring kaharapin ng mga manggagawa nito bilang resulta ng utos.

“The suspension, in fact, underscores the broader and more pressing matter of contractualization within the entertainment industry. The issue deserves sincere attention from the producer,” anang MTRCB sa isang pahayag.

“I think lessons have been learned. Kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. Kaya sana huwag nating parusahan ang mga nagsusumikap araw-araw para lang mabuhay,” ayon naman kay Sen. Bong Revilla.

Noong Biyernes kasi, tinawagang-pansin ng senador ang nasabing isyu, at ipinunto na ang kapakanan ng mga empleyado ng show ay dapat isaalang-alang, lalo na’t wala silang kinalaman sa insidente na nag-udyok sa pagsuspinde.

Ipinunto ng MTRCB na responsibilidad ng producer o management ng isang palabas na tiyakin ang regularisasyon ng kanilang mga empleyado.

“The practice by the producer, or management, to not regularize their employees, even when a show has been airing live for six days a week, for over a decade, highlights a much bigger problem than the show’s 12-airing-day suspension,” anang board.

Idinagdag nito na ang kawalan ng kakayahan ng management na magbigay ng regular na trabaho ay hindi dapat maging hadlang sa pagtupad ng mandato ng MTRCB. RNT