Home METRO 6-anyos nasyut sa kanal, patay!

6-anyos nasyut sa kanal, patay!

Patay ang anim na taong gulang na babae matapos na madulas sa baha at lumusot sa kanal sa La Trinidad, Benguet sa pababang bahagi ng kalsada sa Barangay Lubas.

Batay sa kuha ng CCTV pauwi na sana sa kanilang bahay ang biktima kasama ang kapatid nito habang umuulan.

Ilang saglit pa, makikitang nadulas ang bata sa gilid ng kalsada bago tuluyang mahulog sa kanal.

Naisugod pa sa ospital ang bata ngunit ideneklara itong dead on arrival. RNT