Home NATIONWIDE Diskuwento sa mga gamot ng senior, PWD palalawakin ng FDA

Diskuwento sa mga gamot ng senior, PWD palalawakin ng FDA

MANILA, Philippines – Palalawakin ng Food and Drug Administration (FDA) ang saklaw ng mga discounted na mga gamot at kagamitang medikal hindi lamang para sa mga senior citizen, kundi pati na rin para sa mga taong may kapansanan (PWDs).

Sa isang pahayag, sinabi ng FDA na tinalakay ito sa isang pulong ng mga opisyal ng ahensya sa pagpapatupad ng Administrative Order No. 2024-0017, na nag-aalis sa booklet ng senior citizens bilang kinakailangan para sa diskwento ng pagbili ng mga gamot para sa mga matatanda.

Sinabi ng FDA na pinag-aaralang kung paano mas maipapatupad ang value-added tax (VAT) exemptions sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law, at iba pang diskuwento na ibinibigay sa ilalim ng iba’t ibang batas para mapalawak ang mga benepisyo.

Nagpaplano rin itong magsagawa ng malawakang information campaign upang maliwanagan ang publiko sa mga benepisyong ito.

Ayon sa FDA, inaasahang magdudulot ang mga hakbang na ito ng mas pinadaling proseso sa mga transaksyon at malaking tulong para sa senior citizens at PWDs lalo na sa mahihirap na komunidad.

Idinagdag na ang mga drug stores at healthcare providers ay dapat makikinabang sa pinasimplemg transakyon at naka-streamline na proseso ng diskwento. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)