Home NATIONWIDE ‘Diskwalipikasyon’ ng Silang mayoralty candidate nilinaw ng Comelec

‘Diskwalipikasyon’ ng Silang mayoralty candidate nilinaw ng Comelec

MANILA, Philippines- Naglabas ng sertipikasyon ang Commission on Elections (Comelec) na wala pang resolusyon sa disqualification case na inihain laban kay Silang mayoralty candidate Kevin A. Anarna.

Nakasaad sa dokumento, na may petsang May 8 na nakabinbin pa rin sa komisyon ang motion for reconsideration sa petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy ni Anarna at wala pang inilabas na resolusyon kaugnay ng kaso.

Ang sertipikasyon ng Comelec ay inilabas kasunod ng kumakalat na pekeng resolusyon sa Facebook na mali ang sinasabing nadiskwalipika na si Anarna.

Nagpaalala si Comelec Chairman George Garcia sa mga botante na manatiling alerto laban sa misinformation.

Aniya, huwag basta paniniwalaan ang nakikita sa social media.

Ang disqualification case ay nagmula sa isang show-cause order na inilabas laban sa mayoralty candidate para sa mga pahayag na ginawa niya sa solo parents sa isang campaign event noong Marso. Jocelyn Tabangcura-Domenden