Home NATIONWIDE Dismissed BI employee nasakote sa baril sa DOJ compound

Dismissed BI employee nasakote sa baril sa DOJ compound

141
0

NAHAHARAP sa posibleng kasong kriminal ang isang na-dismiss na empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na may problema sa pag-iisip matapos mahuli sa compound ng Department of Justice na may dalang hindi lisensyadong baril.

Nabatid na ang nasabing lalaki na dating empleyado ng BI ay naaresto kasama ang isa pang indibidwal noong Martes ng gabi ng mga pulis mula sa Manila Police District Station 5.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay Justice Secretary Jesus Remulla, nabatid na ang naarestong suspek ay marami umanong kakilala sa DOJ, at natuklasan din na isa itong scammer.

Hindi inilabas ng mga opisyal ang pangalan ng manggagawa habang nakabinbin ang huling disposisyon ng mga awtoridad, ngunit kinumpirma ng mga opisyal na siya ay na-dismiss mula noong Marso dahil sa pagkawala ng tiwala at kumpiyansa pagkatapos magtrabaho sa ahensya sa loob ng pitong buwan.

Samantala, sinabi ni Remulla na may mga hakbang upang mapabuti ang seguridad sa DOJ compound dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kontrobersyal na kaso na hinahawakan ng mga tauhan ng DOJ. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here