Home NATIONWIDE VAT sa Netflix, iba pang digital services, lalagdaan na – DoF

VAT sa Netflix, iba pang digital services, lalagdaan na – DoF

MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Finance (DoF) na malapit nang mapasailalim ang mga foreign digital service providers gaya ng Netflix sa value added tax sa Pilipinas.

Sinabi ni DOF Undersecretary Domini Velasquez na ang batas ay nakatakdang tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Oktubre 2, 2024 upang maging ganap na batas.

“So (that’s an) additional revenue measure for us,” ang sinabi ni Velasquez, sa kanyang naging talumpati sa Management Association of the Philippines’ General Membership Meeting sa Taguig.

Subalit, nilinaw ni Velasques na hindi ito bagong buwis.

“It’s a way of leveling the playing field for your domestic providers with external providers such as your Netflix, your Amazon,”ang paliwanag ni Velasquez.

Ayon sa DOF, ang naturang batas ay nakikitang makalilikha ng P79.5 billion para sa gobyerno mula 2025 hanggang 2028.

Sa ilalim ng batas, “digital services delivered by non-resident digital service providers shall be considered performed or rendered in the Philippines if the digital services are consumed in the Philippines.”

“The digital service provider shall be liable for assessing, collecting, and remitting the value added tax. This shall cover online search engines, online marketplaces or e-marketplaces, cloud services, online media and advertising, online platform or digital goods,” ayon sa ulat.

Ang Online marketplaces o e-marketplaces ay may pananagutan na mag-remit ng value added tax sa mga transaksyon ng nonresident sellers na dumaan sa platforms nito sa ilalim ng ilang mga kondisyon.

Naglaan din ito ng 5% ng incremental revenues para sa development ng creative industries para sa limang taon matapos na maging ganap ang batas.

Maliban sa VAT sa mga digital providers, ang iba pang tax reforms na inaasahan ng DOF na maipapasa para maging ganap na batas bago matapos ang taon ay ang:

. CREATE MORE

• Package 4 of the Comprehensive Tax Reform Program

• Rationalization of the Mining Fiscal Regime

• Excise Tax on Single-Use Plastics

At para naman sa non-tax revenue measures, sinabi ni Velasquez na tinitingnan ng gobyerno ang pagbebenta ng ilang hindi na na gagamit na assets na “ripe for investments” para sa mga susunod na taon.

“These idle assets will not only be able to generate revenues for the government but will also increase the value of these assets that have been lying around in Metro Manila, for example,” ayon kay Velasquez.

Kabilang na rito ang Star City property, Mile Long Building, condominium units na matatagpuan sa Atrium sa Makati City, at ag Elorde Sports and Tourism Development Corporation.

“Kailangan lang ayusin yung titles. But I think there’s already a government directive ensuring that some of the titles na magulo pa should be named to the Republic of the Philippines so they can be up for privatization,” ang sinabi ni Velasquez.

May plano rin aniya na idiskarga ang government shares sa Semirara Mining and Power Corporation at maging ang shares of stock sa United Coconut Chemicals, Inc.

Ang pagbebenta sa Semirara shares, kung saan ang gobyerno ay mayroong 145 million shares, ay maaaring mangyari sa susunod na taon.

“Wala pa how much kasi iva-value yun diba? Most important is the valuation of the share and then looking for investors. But valuing the share, especially ngayon na gumagalaw yung market, would be very important and timing-wise,” ang winika nito.

Samantala, naniniwala naman ang DOF na ang magiging kita mula sa tax at non-tax measures ay mauuwi sa mahalagang pagbabawas ng budget deficit ng Pilipinas at matutulungan din nito ang administrasyong Marcos na makamit ang nilalayon nito na mabawasan ang debt-to-GDP ratio ng bansa ng mas mababa sa 60% sa 2028.