NAG-DONATE ang gobyerno ng Estados Unidos ng emergency relief supplies sa isang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa Nueva Ecija.
Bahagi ito ng pagsisikap ng Estados Unidos na palakasin ang disaster preparedness ng Pilipinas.
Ang mga suplay, nagmula sa US Agency for International Development (USAID), ay tinurn over ni US Ambassador MaryKay Carlson kina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno sa isang seremonya sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija nito lamang Setyembre 23.
Sinabi ni Carlson na ang nasabing donasyon ay “demonstrates how EDCA sites like Fort Magsaysay strengthen the Philippines’ humanitarian assistance and disaster preparedness efforts”.
“The US government remains committed to supporting the Philippines as it builds its national and local capacity to prepare for and respond to disasters,” aniya pa rin.
Kabilang naman sa mga suplay ang ay ’emergency shelter-grade tarpaulins, shelter repair tools, at kitchen sets.’
Sinabi naman ng US Embassy sa Maynila na maaari nitong suportahan ang 10,000 katao at itatago sa OCD warehouse sa Fort Magsaysay para gawing mas mabilis ang paghahatid ng life-saving assistance ng gobyerno.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Teodoro ang US government, binigyang diin ang malakas at matatag na alyansa sa pagitan ng dalawang bansa.
“The Philippines and the United States have a strong alliance. This alliance is demonstrated not just through words but through concrete actions of cooperation,” ayon sa Kalihim.
Samantala, tumulong din ang Estados Unidos sa disaster response efforts ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapalakas sa community-based disaster risk reduction, pagbibigay ng disaster response training, at pagpapalakas sa kolaborasyon sa pagitan ng Pilipinas at US civilian, military, at humanitarian agencies.
Simula 2010, ang US government, sa pamamagitan ng USAID, ay nagbigay ng P19.6 billion (USD344 million) na disaster relief at recovery aid at pinalakas ang disaster risk reduction capacity sa buong bansa. Kris Jose