Home METRO Distribusyon ng ayuda sa mga apektado ng lindol sa Cebu sisimulan ng...

Distribusyon ng ayuda sa mga apektado ng lindol sa Cebu sisimulan ng DSWD

333
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na agad na sisimulan ang pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) para sa mga naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.

Sinabi ni DSWD Disaster Response Management Bureau Director Maria Isabel Lanada, nasa P276 milyon ang inisyal na pondong ilalaan para sa ECT.

Sa ginanap na DSWD media forum kanina Huwebes (Oktubre 9) sinabi ni  Lanada na ang nasabing tulong pinansyal ay ipapamahagi sa mga residente ng Cebu at Samar na labis na napinsala ang kanilang mga tahanan dahil sa malakas na pagyanig.

Kaugnay nito batay sa datos ng DSWD, mahigit 75,000 bahay ang napinsala sa lindol kung 5,205 ang tuluyang nawasak, habang 70,221 naman ang bahagyang napinsala.

Sa ilalim ng ECT program, maaaring makatanggap ng hanggang P10,000 tulong pinansyal ang bawat pamilyang apektado ng kalamidad.

Bukod sa ECT, nagpapatuloy din ang pamamahagi ng family food packs at non-food items ng DSWD sa mga apektadong lugar.

Sa kabuuan, umabot na sa mahigit P152 milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi ng DSWD sa mga lalawigang tinamaan ng lindol. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here