MANILA, Philippines – Tiwala si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maayos at hindi madadamay ang kanyang mga anak sa anumang uri ng korapsyon lalo na’t nagpapatuloy ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Sa panayam ng media kay Remulla pagkatapos ng kanyang panunumpa sa Korte Suprema bilang bagong Ombudsman, iginiit niya na maganda at maayos ang pagpapalaki nila ng kanyang asawa.
“Ako, hindi natatakot na mayroon silang gagawin na masama kasi I think we raised then very well,” aniya.
Pero aniya sabihin lang kapag merong problema at haharapin ang mga problema na yan.
Sa lima niyang anak, tatlo ang kasalukuyang aktibo sa larangan ng politika.
Isa si Crispin Diego “Ping” Remulla na kasalukuyang kinatawan ng Ikapitong Distrito ng Cavite. Si Francisco Gabriel “Abeng” Remulla naman ang Gobernador ng Cavite, habang si Jacinta Remulla ay Bise Alkalde ng Naic, Cavite. Jocelyn Tabangcura-Domenden