Home ENTERTAINMENT Diwata, binoljak na naman ni Rendon!

Diwata, binoljak na naman ni Rendon!

Manila, Philippines – Hindi na naman pinalampas ng motivational speaker na si Rendon Labador ang sa tingin niya’y bagong paandar ni Diwata.

Ini-repost kasi ni Rendon sa kanyang bagong Facebook account ang makikita sa FB page ni Deo Balbuena o mas higit na kilala bilang Diwata.

May nakalagay kasi doon bilang pamagat na: “Diwata hindi maarte, kumakain ng tuyo!”

Makikitang ngumangasab ang pamosong paresan owner ng tuyo, halatang sarap na sarap.

Dito na binoljak muli ni Rendon si Diwata.

Post niya: “Akala mo mananalo ka sa pagkagat-kagat mo ng tuyo?”

Ang tinutukoy ni Rendon ay ang pakikipagsapalaran sa pulitika.

Tatakbong ikaapat na nominee si Diwata ng Vendors partylist sa eleksyon sa susunod na taon.

Hindi doon nagwakas ang panunupalpal ni Rendon kay Diwata.

May payo pa itong: “Ang kunin mong campaign manager, matalino!”

Sumang-ayon naman ang mga netizens, na nagbiro pang si Rendon na lang ang kunin nitong campaign manager para sure win.

Eh, kasi naman…sa dinami-dami ng mga paraan para paingayin ang kandidatura ni Diwata ay pagngasab pa ng tuyo ang naisip!

Para ano–para pagmukhaing masang-masa si Diwata for the common tao to relate to him?

Katsipan, huh! Ronnie Carrasco III