ABRA-Swak sa kulungan ang isang lalaki at ang live in partner nito matapos maaresto ang dalawa sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng PDEA at PNP sa Brgy. San Juan Norte, Manabo ng lalawigang ito nitong Nobyembre 9.
Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa ng PDEA CAR Abra Provincial Office (lead unit), Abra PPO-PDEU, RIU 14, at RMFB 15th na nagresulta sa pagkakatimbog ng dalawang suspek na 31-anyos na lalaki at 25-anyos na babai.
Ayon sa PDEA CAR, nasa temporary custody ngayon ng Pidigan MPS ang dalawang naarestong drug personalities.
Sa naturang buy-bust operation ay nakumpiska ang mga operating unit ng isang small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na tinatayang tumitimbang ng 0.1 gramo at nagkakahalaga ng P1,000 (buy-bust item).
Nakuha naman sa possession ng mga suspek ang tatlong medium size heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang tumitimbang ng 5 gramo at nagkakahalaga ng P34,000.
Bukod sa mga ito, narekober din ng mga otoridad ang ginamit na buy-bust money.
Kasong paglabag sa section 5 at 11 ng RA 9165 ang kahaharapin ng dalawang naarestong suspek. Rolando S. Gamoso