Home ENTERTAINMENT Diwata, may ibang raket!

Diwata, may ibang raket!

282
0

Manila, Philippines- Lumelevel up na talaga si Diwata.

Imagine, bukod sa kanyang tanyag na paresan, he’s also into selling construction safety gear.

Itinaon nga ni Diwata sa kanyang kaarawan ang launch ng kanyang bagong negosyo.

Ginanap ‘yon sa kanyang magara at malawak na tahanan, na obyus na katas ng kanyang umunlad na pares business.

Bale last year pa pala nagsimula si Diwata ng kanyang bagong business, pero ngayon lang niya finlex sa social media ang kanyang business office.

Doon matatagpuan ang iba’t ibang items na ibinebenta niya mula safety helmet, shoes, street cones, harness at marami pa.

Kung bakit construction gear ang napili niya ay dahil limang taon din palang nagtrabaho bilang construction worker si Diwata.

This was before he discovered a goldmine in paresan.

No wonder, nangangapal sa gintong alahas ang suot-suot ni Diwata sa leeg at kamay!

“Nepo baby” lang ang peg sa pagpe-flex ng bonggang lifestyle?

At least, ‘yung kay Diwata hindi galing sa nakaw! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here