Home ENTERTAINMENT Diwata, nakatanggap ng bulaklak ng patay sa V-day!

Diwata, nakatanggap ng bulaklak ng patay sa V-day!

Manila, Philippines – Ikinatuwa pa rin ni Diwata ang natanggap na mga bulaklak nitong nagdaang Valentine’s Day kahit ang tingin niya mismo ay para ‘yon sa taong yumao na.

Bale ba, may kasama pang buhay na sisiw ang mga bulaklak na ‘yon.

Base sa kapaniwalaan, ang sisiw ay inilalagay sa ibabaw ng kabaong ng namatay para makamit nito ang hustisya.

Karaniwang pinaslang ang taong ‘yon.

Bilang pambawi ng nagbigay, galing sa Dangwa ang mga bulaklak na ‘yon.

Hati naman ang opinyon ng mga netizens.

Ayon sa ilan, masamang biro raw ang ginawang ‘yon kay Deo Balbuena, tunay na pangalan ng paresan owner.

Hinihinala ring malaki ang galit ng taong nagpadala ng mga bulaklak ng patay kay Diwata.

Still others think na sinadya ng giver na bigyan si Diwata ng ganoon.

Posible rin daw na mismong ang tanyag na paresan owner ang nagpadala niyon sa kanyang sarili.

Ano’t anuman, hindi dapat ginagawang biro ang pagbibigay ng mga bulaklak ng patay sa isang taong buhay na buhay.

Tandaan–may karma! Ronnie Carrasco III