Home ENTERTAINMENT ‘Walk’ ni Winwyn, inaabangan sa MUP!

‘Walk’ ni Winwyn, inaabangan sa MUP!

Manila, Philippines – Tornado Walk.

Ito ang lakad na pinauso ni Winwyn Marquez noong sumali at manalo bilang kauna-unahang Pilipina sa Reina Hispanoamericaa noong 2017.

Winwyn didn’t coin the label herself.

Ang mga fans at supporters daw niya ang nakaisip na tawaging Tornado Walk ang kanyang matagumpay na pagrampa.

Tulad ng naiulat, Winwyn is Muntinlupa City’s official representative to the 6th Miss Universe Philippines.

Sometime in May ito gaganapin.

Nang tanungin si Winwyn sa isang recent event where she performed a dance number, she was asked kung anong walk naman ang aabangan sa kanya as she competes in the MUP.

Aniya, depende na raw ‘yon sa kanyang mga fans.

Nakapanayam si Winwyn sa thanksgiving party ng isang beauty and wellness group recently.

Hosted by Ruffa Gutirrrez, ang grupo’y pag-aari ni Anna Magwakas, ang local director ng MU Muntinlupa.

Si Magwakas ang kumumbinsi kay Winwyn na sumali sa pageant.

Samantala, kinoronahang Reina Hispanoamericana si Dia Mate sa pageant na ginanap sa Bolivia.

The second Pinay to have been crowned the title, Dia bested 24 other girls.

Si Dia ay nobya ni JK Labajo who posted on Insragram: “Congrats, baby!”

Dia calls JK her “greatest love.” Ronnie Carrasco III