Home ENTERTAINMENT Diwata, pinasok na din ang Grab!

Diwata, pinasok na din ang Grab!

155
0

Manila, Philippines – Walang kailangang hindi pasukin, mamuhay lang nang marangal.

Ganito maaaring ilarawan ang paresan owner na si Diwata na may bago na namang pinasok na raket.

Kamakailan nga’y nagtayo na din ng pwesto si Diwata–mga sariwang gulay naman ang paninda niya.

Noong isang taon nang itayo niya ang isang shop o tindahan na nagbebenta ng mga safety gear na gamit sa construction.

Katwiran ni Diwata, dati daw siyang nagtrabaho bilang construction worker.

Sa pagkakataong ito’y nadagdagan pa ang kanyang pinagkakakitaan.

Base sa kanyang latest video, pagga-Grab taxi naman ang pinasok niya.

Makikita sa video na nasa manibela si Diwata–may pasaherong taga-Masbate na lumuwas ng Maynila para magpagamot sa Philippine General Hospital.

Proud si Diwata sa kanyang bagong “career”: “Basta marangal ang pagkakakitaan ko, go lang nang go!”

Samantala, sa isang separate vlog ng nagngangalang Fiona who’s working as a carwatch “girl” sa paresan branch ni Diwata, sinabi nito na wala na daw ang kanyang kainan.

So, Grab taxi driver na lang si Diwata ngayon? Ronnie Carrasco IiI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here