Home ENTERTAINMENT Diwata, rumesbak, sinabihang ‘laos’ si Mystica!

Diwata, rumesbak, sinabihang ‘laos’ si Mystica!

Manila, Philippines – Sinagot ng “Streetfood Sensation” na si Diwata ang maanghang na banat kamakailan ni Mystica.

Sabi ng dating sexy star, yumabang na raw si Diwata pagkatapos nitong sumikat.

Oo nga, sikat na ang dating pulubing nakatira sa ilalim ng tulay matapos pilahan ng madlang pipol ang kanyang pares overload sa may Pasay complex.

Ngayon nama’y sinundan pa ito ng pagkakasama ni Diwata sa seryeng “Batang Quiapo” bilang si Frida.

Sa ibinahaging video sa isang FB page ng isang vlogger ay tinanong si Diwata kung kilala niya si Mystica at kung alam na niya ang mga foul na pinagsasabi nito laban sa kanya?

“Sinong Mystica?” taas-kilay nitong tanong. At naalala niyang dati itong sexy star.

Kaya naman sabi ni Diwata, “Ah,alam ko na, laos na siya ngayon.

“Hindi naman siya importante sa buhay ko. Ang importante sa akin, yung business ko.” Sabi pa ng vlogger, si Mystica ay dating taga-showbiz na nakikisawsaw sa isyu para magpapansin.

“Hayaan mo na lang siya,” sey ng sikat na may-ari ng Diwata Pares overload. Ador Saluta