MANILA, Philippines – Iniutos ni bagong DPWH Secretary Vince Dizon ang dalawang linggong suspensyon ng lahat ng bidding para sa locally funded projects sa buong bansa, kabilang ang mga kalsada, tulay, at flood control works.
“I will order today a pause to all the ongoing bidding of all locally funded projects nationwide,” ani Dizon sa isang briefing.
“I’m giving our new team two weeks maximum to put safeguards in the bidding process,” dagdag pa ni Dizon. “The President does not want any more money of the government, of the DPWH, thrown out to the river.”
Nilinaw niyang magpapatuloy ang mga foreign-assisted projects dahil mahigpit itong binabantayan ng mga international funders.
Ang kautusan ay kasunod ng isyu ng anomalya sa flood control projects. Kinumpirma ni dating kalihim Manuel Bonoan na 15 sa 160 validated projects mula sa mahigit 9,800 ay “missing.” RNT