MANILA, Philippines – Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Tropical Depression Kiko ngayong Miyerkoles ng hapon, Setyembre 3, ayon sa PAGASA.
Alas-10 ng umaga, si Kiko ay nasa 1,170 km silangan-hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon at kumikilos pa-norte sa bilis na 15 km/h, taglay ang lakas ng hangin na 55 km/h at bugso na hanggang 70 km/h. Posible itong maging tropical storm bago matapos ang Miyerkoles o sa madaling-araw ng Huwebes habang patungong southern Japan.
Walang itinaas na tropical cyclone wind signals o coastal hazards, at hindi ito direktang makakaapekto sa bansa.
Gayunpaman, pinaalalahanan ng PAGASA ang mga nasa hazard-prone areas na manatiling alerto at sundin ang abiso ng lokal na pamahalaan. RNT