MANILA, Philippines – Inihayag ni DPWH Secretary Vince Dizon na tatayo siyang saksi sa kaso sa Sandiganbayan laban kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Aniya, ito ay dahil ang DPWH sa kanyang pamumuno ang siyang complainants sa mga kasong isinampa laban sa dating mambabatas.
Sa press conference, sinabi ni Dizon na haharap siya sa Sandiganbayan sa Enero 20.
May kinalaman pa rin aniya ito sa maanomalyang proyektong pangimprastraktura sa Oriental Mindoro.
Hindi naman na idinetalye pa ni Dizon kung ano-anong mga impormasyon ang maaaring ibahagi niya sa naturang paglilitis.
Maliban ito sa resulta ng mga imbestigasyon ng DPWH sa mga kinukuwestyong flood control projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden