Home NATIONWIDE DJ nagpasaklolo sa NBI sa pambubugbog ng fiancé

DJ nagpasaklolo sa NBI sa pambubugbog ng fiancé

MANILA, Philippines – Naghain na ng reklamo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang disc jockey at influencer na binugbog ng kanyang fiancé.

Ayon sa ulat, nagtungo kahapon sa NBI ang kampo ni Jellie Aw para idulog ang insidente.

Sa social media nag-viral ang post ni Jellie dahil sa pambubugbog sa kanya ng kanyang fiance na si Jam Ignacio na ex-fiance naman ni Karla Estrada.

Makikita din sa social media post na puno ng pasa at sugat at duguan ang mukha ni Jellie.

Nagsimula umanong magkalabuan ang dalawa sa simpleng tampuhan sa isang kaibigan hanggang sa magsagutan at nagdilim umano ang paningin ni Ignacio at sinuntok si Jellie sa sobrang galit.

Sa loob ng sasakyan, patuloy pa rin umano ang pananakit kay Jellie kaya hindi na ito nakapalag pa.

Pagdating sa NLEX, hindi raw gumana ang RFID ng sasakyan ng Ignacio dahilan para makahingi ng saklolo si Jellie nang ibaba ang ibaba ang bintana sa toll gate.

Agad namang nasaklolohan ng mga tauhan ng NLEX si Jellie at tinulongan siyang makauwi sa Quezon City habang tumakas naman si Ignacio. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)