MANILA, Philippines – NILALAYON ng FPJ Panday Bayanihan partylist na magbigay ng abot-kayang pabahay na may kabuhayan at sapat na serbisyo sa mga lugar ng relokasyon para sa mga pamilyang nakatira sa informal settler zones.
Ayon kay Brian Poe Llamanzares, sinusuportahan nila ang Community Mortgage Program ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng abot-kayang pautang sa mga mahihirap na pamilya upang makamit nila ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan.







