Home SPORTS Djokovic sasabak sa Paris Olympics kahit bagong opera

Djokovic sasabak sa Paris Olympics kahit bagong opera

Sasabak si Novak Djokovic sa Olympic Games ngayong taon sa Paris, inihayag ng Olympic Committee ng Serbia.

Dadalo ang  24-time Grand Slam winner sa kanyang ikalimang Olympics mula noong una noong 2008 nang manalo siya ng bronze medal.

Nagkaroon ang 37-taong-gulang ng operasyon sa tuhod noong nakaraang buwan matapos siyang mapilitan na huminto sa French Open dahil sa injury na natamo sa isang fourth-round win na nagduda sa kanyang pagkakataong maglaro sa Wimbledon at sa Paris Games.

Target ni world No. 3 Djokovic na tapusin ang kanyang title drought ngayong 2024 matapos manalo ng tatlo sa apat na Grand Slam noong nakaraang taon habang hinahabol niya ang mailap na Olympic gold medal sa Paris Games kung saan sasabak din si Rafa Nadal ng Spain.

Si Dusan Lajovic, na nasa ika-56 na pwesto, ay maglalaro din para sa Serbia sa Hulyo 27-Agosto 4 na Olympic tournament sa Roland Garros.