Home METRO P57M combined lotto jackpots ‘di napanalunan

P57M combined lotto jackpots ‘di napanalunan

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa major jackpot lotto draw noong Miyerkules, Hunyo 19, 2024, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Bokya ang mga mananaya sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 kung saan umabot sa higit P57 milyon ang pinagsamang jackpot prize.

Ang winning combination para sa Grand Lotto 6/55 ay 17-45-10-06-47-44. Ang jackpot ay nasa P47,995,654.40.

Habang sa Mega Lotto 6/45 lumabas ang 28-43-39-30-35-32 na may premyo na P9,889,823.40. RNT