MANILA, Philippines – Nagdulot ng pangamba sa mga estudyante at empleyado ng De La Salle University (DLSU) ang natanggap na bomb threat na ipinadala sa pamamagitan ng email ngayong Miyerkules dahilan para magsagawa ng security check sa campus ang Lungsod ng Maynila.
Sa email na nakasulat sa salitang Bisaya, sinabing “WARNING ADUNAY BOMBA NGA GITANOM SA DE LA SALLE UNIVERSITY MANILA MAKAGUBA UGMA SA BUNTAG, OKTUBRE 2, 2025.”
Dahil sa banta, minabuti ng DLSU na magsagawa ng online modality sa halip na face-to-face classess ngayong araw (Huwebes).
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na ang banta marahil ay praktical joke lamang ng mga pranksters.
Umaasa ang alkalde na magsasagawa ang DLSU ng kanilang internal investigation kaugnay sa usapin.
“Baka nagpa-prank lang, or one way of saying walang pasok. I’m calling also the attention of La Salle leadership to investigate internally,” sabi ni Mayor Isko. Jocelyn Tabangcura-Domenden