Home NATIONWIDE DMW: 25 Pinoy mula Israel at Lebanon nakauwi na ng Pinas

DMW: 25 Pinoy mula Israel at Lebanon nakauwi na ng Pinas

112
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules ang ligtas na pag-uwi ng 25 overseas Filipinos mula Israel at Lebanon sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.

Sa isang Facebook post, sinabi ng DMW na ang mga repatriate ay binubuo ng 14 caregiver mula Israel at 11 household service worker mula Lebanon na dumating noong Abril 21 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Ang kanilang pagbabalik ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong apektado ng krisis sa Middle East.

Binigyan sila ng paunang tulong ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kabilang ang financial assistance, pansamantalang tirahan, at transportasyon.

Hinimok ni DMW Assistant Secretary Francis Ron De Guzman ang mga repatriated OFWs na samantalahin ang mga programang reintegration ng gobyerno tulad ng livelihood assistance, employment facilitation, at iba pang serbisyong tulong para makapagsimula muli. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here