Home HOME BANNER STORY DMW: 63 Pinoy pauuwiin sa Pinas sa gitna ng kaguluhan sa Haiti

DMW: 63 Pinoy pauuwiin sa Pinas sa gitna ng kaguluhan sa Haiti

MANILA, Philippines- Inaasahang pauuwiin ang 63 Filipino mula sa Haiti dahil sa patuloy na karahasan sa caribbean country, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac.

Sinabi ni Cacdac na kasado ang repatriation matapos aprubahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang rekomendasyon sa deklarasyon ng Alert level 3 o voluntary repatriation para sa mga Filipino sa Haiti.

Ayon pa kay Cacdac, mayroong 115 Filipinos sa Haiti.

Tinitingnan ng DMW ang mga opsyon kung paano isasagawa ang pagpapauwi sa 63 Filipino dahil walang mga flight sa Haiti.

Naantala rin ang land travel sa kabisera ng Port-Au-Prince dahil sa kaguluhan.

Naniniwala si Cacdac na ang pinakamagandang opsyon ay pag-arkila ng isang flight.

Sa ngayon, sinabi ni Cacdac na wala pang iniuulat na Filipino na apektado o sugatan sa nagpapatuloy na security crisis.

Idinagdag pa ng opisyal na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang kaukulang government agencies kina Ambassador Jose Manuel “Babe” Romualdez, Honorary Consul General Fitzgerald Oliver James Brandt, at Filipino community leader Bernadette Villagracia kaugnay sa posibleng repatriation ng mga Filipino sa Haiti. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDagdag-sahod ng tourism workers hirit ng labor group: P150 pang-kape lang
Next articleStations of the Cross umarangkada sa Quiapo