Home NATIONWIDE DMW: 8 OFWs nakauwi na sa Pinas mula Lebanon

DMW: 8 OFWs nakauwi na sa Pinas mula Lebanon

148
0

MANILA, Philippines- Walo pang overseas Filipino workers mula Lebanon ang napauwi sa Pilipinas nitong Linggo.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang nasabing  OFW returnees ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ang kamakailang batch ay nagdala ng kabuuang bilang ng mga repatriated OFWs sa 450 at dependents sa 28 mula noong Oktubre 2023. Nakataas pa rin sa Alert Level 3 sa Lebanon, na naging daan para sa boluntaryong repatriation.

Sa kanilang pagbabalik bansa, ang OFWs ay tumanggap ng P75,000 mula sa DMW AKSYON Fund, P75,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at livelihood assistance na halagang P20,000 mula sa Department of Social Welfare and Development.

Sinabi ng Presidential Communications Office noong Sabado na 37 pang OFW ang darating mula Istanbul, Turkiye ngayong Lunes ng gabi.

Ayon sa DMW, hindi bababa sa 571 Pilipino ang humingi ng boluntaryong pagpapauwi. Sa kabuuan, 178 ang kasalukuyang nananatili sa tatlong shelter ng gobyerno sa kabisera ng Beirut.

Sinabi ng DMW na tinatayang 11,000 Pilipino ang naninirahan sa Lebanon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here