Home NATIONWIDE Mga Pinoy mula sa offshore gaming ops sa Lao PDR sinisikap mapauwi...

Mga Pinoy mula sa offshore gaming ops sa Lao PDR sinisikap mapauwi sa Pinas

134
0

MANILA, Philippines- Mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ng Pilipinas ang sitwasyon ng mga Pilipinong na-recruit para magtrabaho sa mga offshore gaming operations sa Lao People’s Democratic Republic.

Sinabi ni Department of Migrant Workers secretary Hans Cacdac na nadiskubre ni Ambassador Deena Joy Amatong ang sindikato, matapos na pauwiin ang ilang Pinoy na bahagi ng nasabing offshore gaming operations.

Ayon pa kay Cacdac, hahabulin ng DMW, Department of Justice at law enforcement agencies ang mga sindikato na nagre-recruit ng mga Pilipino.

Sinabi ng kalihim ng DMW na nangangalap sila ng impormasyon mula sa bawat nasagip na Pilipino upang matulungan ang mga awtoridad na makilala ang mga recruiter sa Pilipinas.

Sinabi ni Amatong na 160 Pinoy na nagtatrabaho sa offshore gaming operations ang pinauwi mula sa Lao PDR.

Noong Agosto, 125 overseas Filipino worker na naging biktima ng cyber scam hubs sa Lao PDR ang pinauwi kasunod ng pagsugpo sa “illegal activities” sa Golden Triangle Special Economic Zone sa lalawigan ng Bokeo sa bansa.

Hinikayat ni Amatong ang mga nailigtas na Pilipino na makipagtulungan sa mga awtoridad ng Pilipinas upang maiwasan ang illegal recruitment at human trafficking.

Sinabi ng Philippine Embassy sa Vientiane na nakikipagtulungan sila sa gobyerno ng Lao upang matiyak ang proteksyon ng Filipino na maaaring nasa Golden Triangle Special Economic Zone pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here