Home NATIONWIDE DMW chief Cacdac muling nanumpa sa kanyang pwesto

DMW chief Cacdac muling nanumpa sa kanyang pwesto

MANILA, Philippines – Muling nanumpa nitong Lunes, May 27, si Migrant Workers ad interim Secretary Hans Leo Cacdac sa kanyang pwesto.

Matatandaan na ang pagkakatalaga ni Cacdac bilang pinuno ng Department of Migrant Workers (DMW) ay ipinagpaliban ng Commission on Appointments (CA) matapos maghain ng motion for suspension si SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta.

“Nanumpa bilang ad interim Secretary ng Department of Migrant Workers si G. Hans Leo Cacdac sa pangunguna ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw, ika-27 ng Mayo,” sinabi ng Presidential Communications Office (PCO).

Si Cacdac ay hinirang noong Abril at muling hinirang nitong Mayo para sa kanyang pwesto. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)