Home NATIONWIDE DMW, Landbank lumagda ng kasunduan sa pangangasiwa ng OFW claims mula sa...

DMW, Landbank lumagda ng kasunduan sa pangangasiwa ng OFW claims mula sa Saudi

MANILA, Philippines- Pinadali ng  Department of Migrant Workers (DMW) ang pagproseso ng mga claim para sa libo-libong overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho matapos mapilitan ang kanilang employer na itigil ang operasyon dahil sa bankruptcy bilang resulta ng financial crisis.

Inanunsyo ni DMW officer-in-charge Under Secretary Hands Leo Cacdac ang pakikipagtulungan sa Landbank of the Philippines upang mapabilis ang proseso ng tseke na inisyu ng Saudi government para sa unpaid wages, benefits, at ibang claims.

Noong Nobyembre 2023, sinimulan ng Alinma Bank of Saudi  Arabia ang pamamahagi ng mga tseke sa displaced Saudi OFWs na may mga halagang kumakatawan sa kabuuang halaga ng kanilang mga claim.

“The signing of the Memorandum of Agreement marks a significant milestone and development toward resolving the issue of unpaid wages, claims, and other benefits due to thousands of displaced OFWs,” sabi Cacdac.

May tatlong pangunahing probisyon ang MOA, isa na rito ang pagtutulungan ng DMW, Landbank, at OFBank para mabawasan ang bureaucratic hurdles at mapabilis ang paglalabas ng pondo sa mga beripikadong Saudi OFW claimants.

Sa ilalim ng arrangement, hinimok ang claimants na magbukas ng account sa Landbank o OF Bank na nagsisilbi bilang financial conduits para sa pagproseso ng tseke at pagtanggap ng pera.

Ang pangalawang pangunahing probisyon ay partikular na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tagapagmana ng mga OFW na pumanaw na.

Ang ikatlong pangunahing probisyon ay nagsasangkot ng financial education, literacy, at pagpapadali sa mga serbisyo.

Nakasaad dito na ang tatlong ahensya ay dapat magtulungan upang mabigyan ang mga kliyenteng OFW ng kinakailangang impormasyon sa pagproseso ng kani-kanilang mga claim pati na rin ang pag-upgrade ng kanilang kaalaman sa pananalapi upang pangasiwaan at pagyamanin ang kanilang matagal na pinaghirapan na pinansiyal na mapagkukunan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMaymay, nag-unfollow sa afam na jowa, split na?
Next articleUgnayan ng PH, Australia sa ekonomiya, agri, tanggulan palalalimin