Home ENTERTAINMENT Maymay, nag-unfollow sa afam na jowa, split na?

Maymay, nag-unfollow sa afam na jowa, split na?

Manila, Philippines- Welcome to the club!

Wari’y ito ang mensaheng gustong ipagsigawan ng mga brokenhearted celebrities na naghahanap ng karamay sa sinapit ng kanilang relasyon.

At kanino nila gustong i-address ito?

Kay Maymay Entrata!

Isang telltale sign among our celebrities ang ‘di na nila pag-follow sa isa’t isa sa social media.

Ibig sabihin nito’y meron silang pinagdadaanan sa personal na aspeto ng kanilang buhay.

Habang lumalaon ay pahaba nang pahaba ang listahan ng mga celebrity relationships na nangasira as evidenced in their unfollowing each other.

Hindi nga nalalayo si Maymay at ang Canadian boyfriend niyang si Aaron Haskell.

A quick look at Maymay’s Instagram account reveals na wala na sa listahan ng mga pina-follow niya si Aaron.

As for Aaron, bagama’t naka-private ang kanyang IG account, kahit na isa’y wala na rin siyang pina-follow.

Presumably, isa roon si Maymay.

Magugunitang February 2022 nang isapubliko ni Maymay ang kanilang relasyon ni Aaron.

Nag-post pa si Maymay ng kanilang larawan greeting Aaron a happy birthday na tinawag pa niyang “my Valentino.”

However, in her guesting on Magandang Buhay ay inamin ni Maymay ang mga kinakaharap nilang challenges lalo pa’t theirs is a long distance relationship o LDR.

At presstime, hindi pa nag-iisyu ng statement of confirmation or denial si Maymay kung break na nga sila ng dyowang afam.

If true, how heartbreaking. Ronnie Carrasco III

Previous article2 Chinese research vessels namataan sa Philippine Rise
Next articleDMW, Landbank lumagda ng kasunduan sa pangangasiwa ng OFW claims mula sa Saudi