Home HOME BANNER STORY 2 Chinese research vessels namataan sa Philippine Rise

2 Chinese research vessels namataan sa Philippine Rise

MANILA, Philippines- Namataan sa Philippine Rise ang dalawang Chinese research vessels na umaaligid sa katubigan ng resource-rich submerged landmass na tinatawag na Philippine (Benham) Rise sa silangan ng Luzon, ayon sa isang American maritime expert nitong Biyernes.

Sa isang post sa X (dating Twitter), inihayag ni Ray Powell na ang Chinese vessels ay nasa northeast corner ng Philippine Rise saklaw ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Sinabi ni Powell, na nag-post ng satellite image sa kanyang X account, na nilisan ng Haiyang Dizhi Liuhao at Haiyang Dizhi Shihao ang port sa Longxue Island sa Guangzhou noong Feb. 26 at naglayag sa direksyong east southeast sa Luzon Strait.

Ang retired US Air Force officer ay project director sa Stanford University’s Gordian Knot Center for National Security Innovation na pinuno rin ng Project Myoushu (South China Sea) sa parehong unibersidad.

Sinabi ni Lt. Gen. Fernyl Buca, pinuno ng Northern Luzon Command (Nolcom) na may hurisdiksyon sa rehiyon,  na na-monitor din nila ang dalawang Chinese ships.

Ani Philippine Coast Guard spokesperson Rear Adm. Armand Balilo, susuriin nila ang presensya ng Chinese ships.

Ayon kay security analyst Chester Cabalza, presidente at founder ng Manila-based think tank International Development and Security Cooperation, na sinimulan ng Chinese ships na matyagan ang Philippine Rise, “the unexplored underwater plateau,” mula pa 2016 nang maupo sa pwesto si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto “and pivoted to Beijing.”

Ang Philippine Rise, ayon kay Cabalza, “is considered an important marine resource for Filipino fishermen in the East Philippine Basin of Isabela, Aurora, and Catanduanes provinces.”

“As the sole owner of the Benham Rise, there is a need for the Philippines to strengthen its naval and aerial outposts in the vast ocean island since Manila has the exclusive maritime rights over the undersea landmass,” aniya.

“The presence of an army Edca site in Gamu, Isabela, which is close to the extended continental shelf shows the strategic importance of the Philippine Rise,” dagdag ni Cabalza.

Ang Edca ay Enhanced Defense Cooperation Agreement sa United States, na nagbibigay-daan upang makabisita ang American troops sa Philippine military camps o facilities, na tinatawag na “sites.”

Noong May 2017, pinalitan ni Duterte ang tawag sa Benham Rise sa Philippine Rise at idineklara itong “Protected Food Supply Exclusive Zone.” RNT/SA

Previous article71 pamilya sa DavOcc inilikas sa flash floods
Next articleMaymay, nag-unfollow sa afam na jowa, split na?