MANILA, Philippines- Halos 71 pamilya ang lumikas mula sa kanilang mga tahann dahil sa pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan sa ilang barangay sa Sta. Maria, Davao Occidental nitong Biyernes.
Ayon sa mga awtoridad, umapaw ang tubig sa ilog at umabot sa ilang tahanan.
Base sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kabilang sa mga barangay ang Buca, Pongpong, San Isidro, San Roque, at Basiawan.
Binigyan naman ang flood victims ng given food packs mula sa Municipal Social Welfare and Development Office.
Sinabi ng state weather bureau PAG-ASA na magpapaulan ang easterlies sa ilang lugar saDavao region at iba pang parte ng Mindanao.
Mula naman sa datos ng Metro Weather, makikitang inaasahan ang pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at SOCCSKSARGEN.
Binalaan din ang publiko laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa. RNT/SA