Home NATIONWIDE P175M Ultra Lotto jackpot nasolo!

P175M Ultra Lotto jackpot nasolo!

MANILA, Philippines- Nasolo ng isang mananaya ang P175 million Ultra Lotto 6/58 jackpot sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) draw nitong Biyernes.

Base sa PCSO, ang masuswerteng numero para sa Ultra Lotto ay 04-07-57-05-54-47 na may jackpot prize na P175,160,965.20.

Samantala, wala namang nanalo sa Mega Lotto 6/45 draw.

Mayroon itong kombinasyong 15-08-17-24-31-12 at jackpot prize na P8.9 million. RNT/SA

Previous articlePag-aalok ng mga Pinay sa socmed para magtrabaho sa ibang bansa ikinabahala ng DMW
Next article71 pamilya sa DavOcc inilikas sa flash floods