Home NATIONWIDE DMW, LandBank sanib-pwersa sa pagpapabilis ng paghahatid ng OFW claims

DMW, LandBank sanib-pwersa sa pagpapabilis ng paghahatid ng OFW claims

MANILA, Philippines – Nakipagtulungan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Land Bank of the Philippines at sa savings bank nito na nagsisilbi sa mga overseas Filipinos upang mabilis na masubaybayan ang paghahatid ng mga indemnity claim sa mgha nawalan ng trabaho dahil sa pagkalugi ng kanilang mga employer sa Saudi Arabia.

Ang pagtutulungang ito ay pagsasama-samahin at padaliin ang mga operasyon ng Landbank at ng Overseas Filipino bank (OFBank) sa DMW upang mapabilis ang pagproseso at pag-credit ng tseke para sa apektadong overseas Filipino worker (OFWs) gayundin ang mga claimant na pamilya ng mga namatay na.

Noong Nobyembre 2022, nangako si Saudi Crown Prince Mohammmed bin Salman ng 2 bilyon riyals para sa unpaid salaries ng 10,000 OFWs na nagtatrabaho sa construction companies na nagdeklara ng bankruptcy noong 2015 at 2016.

Sinabi ng Landbank na noong Pebrero 29, nakabuo ng 1,211 tseke na nagkakakhalaga ng $16.4 milyon sa apektadong OFWs.

Sinabi ng Landbank na mag-aalok ito ng libreng over-the-counter banking services sa eligible OFWs para tanggapin ang kanilang indemnity claims sa buong 607 branches at branch-lite units sa buong bansa.

Makikipag-ugnayan din ito sa foreign depository banks para masubaybayan ang outward bills para sa koleksyon mula sa mga OFW, at para mapadali ang pagdaloy ng inward funds sa OFBank accounts ng kanilang mga benepisyaryo.

Samantala, nangako naman ang OFBank na tutulungan ang mga OFWs at kanilang beneficiaries kabilang ang kanilang kasalukuyang nasa ibang bansa sa pagbubukas ng account at pag-access sa digital services ng bangko.

Sa bahagi ng DMW, sinabi ng bangko na ang ahensya ay makikipag-ugnayan ang ahensya sa lahat ng natukoy na benepisyaryo at tutulong sa pamamaraan ng negosasyon para sa mga tseke.

Hahawakan din ng DMW ang negosasyon para sa mga kaso ng namatay na eligible OFWs at mamamahala ng helpline upang tumugon sa mga katanungan sa pag-claim ng mga tseke. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleEx-pulis arestado sa kidnap-for-ransom
Next articleCHIPS Act ng US, magpapalakas ng semiconductor sector ng Pinas – PBBM