Home NATIONWIDE DMW nag-isyu ng recall order sa Los Angeles Labor Attaché sa kaugnayan...

DMW nag-isyu ng recall order sa Los Angeles Labor Attaché sa kaugnayan sa flood control

281
0

MANILA, Philippines – Pina-recall ng Department of Migrant Workers ang Los Angeles Labor Attache na si Macy Maglanque sa gitna ng mga paratang na siya ang presidente ng isang kumpanyang naka-link sa multi-bilyong pisong mga flood control projects.

Ayon sa DMW, ang pag-recall kay Maglanque ay upang harapin ang imbestigasyong isinasagawa ng gobyerno.

Pinangalanan si Maglanque na presidente ng MBB Global Properties ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Senator Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson na isa siya sa anak ni Candaba, Pampanga Mayor Rene Maglanque na dating presidente ng construction company na Globalcrete Builders na umano’y nakakuha ng P2.19 bilyon halaga ng flood control projects mula 2018 hanggang 2024 sa Bulacan lamang.

Samantala, tiniyak ng DMW na ipatutupad nila ang kinakailangang mga hakbang para masiguro ang integridad sa ahensya para sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWS). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here