Home METRO 2 patay sa road rage sa Cavite

2 patay sa road rage sa Cavite

228
0

MANILA, Philippines – Dalawa katao ang nasawi sa insidente ng umano’y road rage sa kahabaan ng CM Delos Reyes Ave, Brgy. Javalera, General Trias City, Cavite.

Ayon sa nakalap na impormasyon, naganap ang insidente umaga ng Setyembre 11, nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawang biktima na kinilalang si Eric at Edmark, at suspek na kinilala lamang sa alyas Regie.

Base sa imbestigasyon, sa gitna umano ng kalsada nagkaroon ng pagtatalo ang mga ito na nauwi sa karahasan nang mabilis na bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang dalawang biktima na ikinasawi ng mga ito.

Mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang baril na ginamit sa pamamaril.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito ay tikom naman ang bibig ng pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at walang maibigay na maayos na detalye ang Gen Trias Police nang tangkang kapanayamin ang hepe ng pulisya dito na si PltCol Bismark Mendoza. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here