MANILA, Philippines – Binalaan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang publiko laban sa social media post na nag-aalok ng trabahong call center agent.
Ayon sa DMW, sinasabi ng mga pekeng job offers na ito na ipadadala ang mga biktima sa Thailand, Singapore o Vietnam bilang “on-the-spot” tourists.
Ang mga biktima ay saka ibibyahe patungong Cambodia, Myanmar o Laos kung saan magtatrabaho ang mga ito bilang online scammers.
Nag-aalok din ang pekeng social media post ng basic salary na P28,000 hanggang P45,000 na may dalawang taong kontrata sa ilalim ng isang kumpanya na “CMB Group” na umano’y naka-base sa Cambodia.
Pinayuhan ng DMW ang publiko na iberipika at suriin ang mga alok na trabaho upang maiwasan na maging biktima ng illegal recruiters.
Maaari naman iulat ng publiko ang ganitong insidente sa [email protected] or this DMW Facebook page. Jocelyn Tabangcura-Domenden