Home NATIONWIDE DMW nakiramay sa mga biktima ng trahedya sa Filipino festival sa Canada

DMW nakiramay sa mga biktima ng trahedya sa Filipino festival sa Canada

MANILA, Philippines – Nagpaabot ang Department of Migrant Workers (DMW) ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima ng malagim na trahedya sa Lapu-Lapu Day Filipino festival sa Vancouver, Canada na ikinasawi ng 11 katao.

Sinabi ng DMW, habang hinihntay ang iba pang detalye tungkol sa insidente, umapela ng panalangin ng kagalingan, kaligtasan, kaginhawaan, pagkakaisa at hustisya para sa mga naapektuhan ng hindi inaasahang trahedya.

Ang suspek na si Kai-Ji Adam Lo, 30, na isang residente sa Vancouver ay kinasuhan na ng mga awtoridad.

Sinabi ng DMW na handa silang magbigay ng lahat ng kinakailngang tulong at suporta sa mga biktima ng insidente na naayon sa mandato na masiguro ang kaligtasan at kabutihan ng Overseas Filipino Workers.

Pagitiyak ng ahensya, ang DMW sa pamamagitan ng kanilang Migrant Worekrs Office (MWO) sa Vancouver ay mahigpit nang nakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Vancouver gayundin sa Canadian authorities upang subaybayan ang sitwasyon at kapakanan ng mga biktima at kanilang pamilya.

Ibinigay din ng DMW ang mga numero na maaaring tawagan para sa agarang tulong at suporta.

*Assistance-to-Nationals Hotline: +1 604 653 5858

*Migrant Workers’ Office Hotline: +1 604 767 3354

*Vancouver Police Department Victim Support: +1 800 563 0808

* Para sa pamilya ng OFWs sa Vancouver at Western Canada, ang DMW-OWWA Hotline ay 1348.

Jocelyn Tabangcura-Domenden