Home NATIONWIDE DMW nangako ng ligtas na evacuation, repatriation sa mga OFW sa Lebanon

DMW nangako ng ligtas na evacuation, repatriation sa mga OFW sa Lebanon

MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ligtas na paglikas para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na maaapektuhan ng gulo sa Lebanon.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, naghanda na sila ng evacuation points para sa mga OFW na nais umalis sa conflict area.

“I cannot disclose the details of our evacuation, repatriation plans but rest assured there are evacuation points in country and out of the country and mayroong shelter na nakahanda, and we have been communicating,” ani Cacdac sa news forum sa Quezon City nitong Sabado, Agosto 24.

Ani Cacdac, ito ay “have been ready since last year,” kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paghandaan ang posibleng problema na mangyari sa tumitinding tensyon sa Middle East.

“Ang ating Pangulo ay may direktiba na paghandaan ang anumang contingency sa bahagi na iyan sa Middle East – whether it’s Israel or Lebanon or the West Bank. Handa tayo diyan and together with the DFA (Department of Foreign Affairs) Ambassador (Raymond) Balatbat in Beirut and our Labor Attaché Alex Padaen were ready with any contingency sa Lebanon,” aniya.

Idinagdag ni Cacdac na walang Filipino ang naiwan sa border areas sa Northern Israel at Southern Lebanon kung saan nangyayari ang gulo.

“However, may southern cities…kasi border towns, southern cities, gitna Beirut – iyong 11,300 na Filipinos karamihan nandoon sa Beirut sa gitna. May southern cities in between the border towns and the central part Beirut nandodoon mga less than a hundred and we are now in the process of evacuating them and again may shelters tayo,” paliwanag pa niya.

Kasalukuyang mayroong 45 Filipino ang sumasailalim sa repatriation.

“It’s taking a bit of time with the Immigration authorities sa Lebanon but we are patient in a sense that they are all safe and just ready to be flown home. Bukas pa naman ang Beirut International at nagdadasal tayo na hindi lalala ang sitwasyon.” RNT/JGC