MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara sa mga motorista ang Magsaysay Entry Ramp ng North Luzon Expressway (NLEX) Connector mula Agosto 27 hanggang Agosto 31.
Sa ulat, isasara ang rampa mula Agosto 27 ng alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ng Agosto 31.
Sinabi ng North Luzon Expressway Corporation na ito ay upang bigyang daan ang enhancement works sa apektadong lugar.
Ang mga motorista na patungong NLEX Harbor Link, Caloocan, Malabon at Navotas ay inaabisuhang dumaan sa Lacson Avenue at pumasok sa NLEX Connector sa pamaamgitan ng Espana Entry Ramp.
Siniguro ng NLEX Corporation na magdedeploy ito ng patrol crews at marshalls, at directional signs para gabayan ang mga motorista. RNT/JGC