Home NATIONWIDE DMW, OWWA nagbukas ng Seafarers’ Welfare Center sa Parañaque

DMW, OWWA nagbukas ng Seafarers’ Welfare Center sa Parañaque

222
0

MANILA, Philippines – Nagbukas ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng Seafarers’ Welfare Center sa Parañaque City upang magbigay ng serbisyong pang-gobyerno at suporta para sa mga Pilipinong seafarers at kanilang pamilya.

Matatagpuan ang pasilidad sa Monarch Parksuites sa Aseana Business Park at pinasinayaan nina Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan, kasama ang mga kinatawan mula sa Social Security System at iba pang ahensya.

Ayon sa DMW, ang center ay isang “one-stop shop” kung saan maaaring ma-access ng mga seafarer ang serbisyo ng SSS, Pag-IBIG Fund, at PhilHealth. Mayroon ding legal assistance mula sa Public Attorney’s Office at medical support sa pamamagitan ng OWWA Yaman ng Kalusugan Program Clinic at pharmacy.

Nag-aalok din ang center ng training spaces para sa capacity-building programs at sexual health at HIV awareness booth katuwang ang mga civil society groups.

Ang pagbubukas ng pasilidad ay kasunod ng pagpasa ng Republic Act No. 12021 na naglalayong palakasin ang proteksyon at benepisyo ng mga maritime worker. Layunin ng center na pagsamahin sa iisang lugar ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno para mas madali itong ma-access ng mga seafarer. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here