Home NATIONWIDE DND chief sa CHR: Kayo kaya humarap sa violent protesters

DND chief sa CHR: Kayo kaya humarap sa violent protesters

203
0

MANILA, Philippines – Hinamon ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. nitong Martes ang Commission on Human Rights (CHR) na sila mismo ang humarap sa mararahas na nagpoprotesta kapalit ng riot police, matapos ihayag ng CHR na magsasagawa ito ng imbestigasyon sa umano’y human rights violations noong dispersal sa Mendiola, Setyembre 21.

“CHR please take the place of the CDM units and you yourselves face violent protesters rather than waste people’s money or time!” ani Teodoro, sabay iginiit na nagpakita ng maximum tolerance ang mga pulis.

Ang kilos-protesta, bahagi ng serye ng rally laban sa korapsyon sa flood control projects, ay nagresulta sa pagkasugat ng 96 na pulis at pagkakaaresto ng 216 katao matapos tangkaing gibain ang police lines, sunugin ang ilang sasakyan, at manghagis ng Molotov cocktails at bato.

Ayon sa CHR, nagpadala sila ng monitoring teams at itutuloy ang patas na imbestigasyon, iginiit na dapat laging gumabay ang human rights standards sa kilos ng mga otoridad.

Giit naman ni Teodoro, ang “hooliganism” ng mga kabataang raliyista ay maituturing na banta sa pambansang seguridad. Nakatakdang magsampa ng kaso ang PNP laban sa mga nagpasimuno ng gulo, kabilang ang inciting to sedition. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here